Thursday, 07 December 2023 12:38 PM Asia/Manila


Serbisyong Makatao, Lungsod na Makabago
Ang Lungsod ng Santa Rosa ay kilala bilang isa sa mga progresibong lungsod sa bansa. Isa sa mga dahilan kung bakit ay ang maayos at epektibong paraan ng pamumuno ni Mayor Arlene Arcillas. Tulad ng isang ina ay itinuring, at patuloy na itinuturing, ni Mayor Arlene na isang tahanan ang Lungsod ng Santa Rosa kung saan ang mga mamamayan ay isang buong pamilya na kanyang kinakalinga.
The Roaring Legacy
Patuloy na Pagpapatibay sa Sektor ng mga Kabataan at Kababaihan
Isa sa mga haliging mayroon ang Lungsod ng Santa Rosa ay ang "Pillar of Knowledge and Skills for the Youth and Women". Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng lungsod, isa sa mga lubos na biibigyang importansya ni Mayor Arlene ay ang kapakanan at kaunlaran ng mga kabataan at kababaihan.
The Roaring Legacy
Pagpapatayo ng Santa Rosa Science and Technology High School at PUP Santa Rosa
Ang edukasyon ang isa sa mga sektor na noon pa ma'y binibigyang prayoridad na nga Lungsod ng Santa Rosa. Kaya naman mula sa simpleng pangarap noon ni Mayor Leon C. Arcillas ay pinagsumikapan niya ang pagkakaroon ng Santa Rosa Science and Technology High School.
The Roaring Legacy
Libreng Edukasyon, Handog ng Lungsod sa mga Kabataan
Bukod sa mga pampublikong paaralan na pang-elementarya at sekondarya, mayroon ding ibinibigay na scholarship program ang lungsod para sa mga kabataang nais makapag-aral sa mga pribadong paaralan sa Santa Rosa. Ito ay ang Libreng Pag-aaral sa Pribadong Paaralan o LPPP.
The Roaring Legacy
Tulong Pinansyal para sa mga Kabataang Kolehiyo, Patuloy ang Pagsulong
Ang College Educational Assistance Program o CEAP ay inilunsad noong 2017 upang magbigay ng tulong pinansyal para sa mga estudyante na nasa antas ng kolehiyo. Nakatatanggap ang bawat scholar ng 5,000 pesos kada semester bilang suporta sa kanilang matrikula at iba pang kailangan sa pag-aaral.
The Roaring Legacy
LCA Foundation, Patuloy ang Pagtulong sa mga Iskolar nito
Ang Leon C. Arcillas Foundation, Inc. ay itinatag noong taong 2008. Layunin nito na magbigay ng full collegiate scholarships sa mga piling estudyante sa lungsod.
The Roaring Legacy
Pagtatatag at Patuloy na Pagpapatibay ng Santa Rosa Manpower Training Center
Isa sa mga tinututukan ng Pamahalaang Lungsod ang pagpapalawig sa mga programang makakatulong sa paghasa ng skills ng mga mamamayan nito. Ang inisyatibang ito ay sinimulan ni dating Mayor Leon C. Arcillas at ipinagpatuloy ni Mayor Arlene B. Arcillas.
The Roaring Legacy
Mga Hakbang upang maging bahagi ng mga Programang Pang-Edukasyon ng Lungsod
Ang Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa, sa pangunguna ni Mayor Arlene B. Arcillas, ay mayroong iba't-ibang programang pang-edukasyon. Narito ang ilan sa mga dapat ninyong malaman upang maging bahagi nito.
The Roaring Legacy
Pangangalaga sa Sektor ng Kalikasan at Kalusugan
Kasabay ng pag-usbong ng industriyalisasyon at iba't-ibang establisyimento sa lungsod ay ang layunin nitong panatilihin ang malinis at maayos na kapaligiran parasa susunod na henerasyon. Layunin nitong makapagpatayo ng mga makabagong gusalina maaaring maging instrumento upang patuloy na mapangalagaan ang ating kalikasan.
The Roaring Legacy
Mga Programang Pangkalikasan, patuloy na isinusulong sa Lungsod ng Santa Rosa
Ang sektor ng kalikasan ang isa sa mga lubos na iniingatan ng Lungsod ng Santa Rosa. Sa kabila ng unti-unting pagiging moderno at pag-usbong ng industriyalisasyon sa lungsod, ay hindi nito nakakalimutang pagyabungin ang sektor na ito.
The Roaring Legacy
Pagpapatayo ng Santa Rosa Environmental Testing Facility
Ang pangangalaga ng lungsod sa sektor ng kalikasan ay hindi nagtatapos sa mga programang ipinatutupad nito. Kasabay ng mga ito ay ang pagpapatayo ng mga imprastrakturang makatutulong sa mga aksyon at hakbangin ng lungsod upang lalo pang mapabuti ang ating kapaligiran kasabay ng maayos na pamumuhay ng mga mamamayan.
The Roaring Legacy
Pagsasakatuparan ng Santa Rosa River Greenway Project
Ang Santa Rosa River Greenway Project ay opisyal na binuksan sa publiko noong March 2021. Ito ay isa sa mga imprastrakturang ipinagawa ng lungsod sa inisyatiba ni Mayor Arlene B. Arcillas upang mapaganda at maisaayos hindi lamang ang lungsod kundi maging ang ating kapaligiran.
The Roaring Legacy
Pagpapalakas ng mga Programa sa Sektor ng Nutrisyon
Isa sa mga lubos na pinangangalagaan ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa ay ang nutrisyon ng bawat mamamayan nito partikular ang nutrisyon ng mga bata sapagkat sila ang itinuturing na kinabakusan ng lungsod.
The Roaring Legacy
Patuloy na Pagpapabuti sa Santa Rosa Community Hospital
Bahagi ng layunin ni Mayor Arlene B. Arcillas ay ang matugunan ang pangangailangan pagdating sa usaping kalusugan. Dahil dito, isa sa mga ginagawang hakbang ng lungsod ay ang pagpapabuti ng buong kalagayan ng ospital kasama na ang mga pasilidad at kagamitan dito.
The Roaring Legacy
Trabaho at Pagnenegosyo, Hatid ng Lungsod sa Pamilyang Santa Rosa
Sa patuloy na paglago ng populasyon ng lungsod ay patuloy din ang pagdami ng mga taong nangangailangan ng trabaho o pagkakakitaan. Isa ito sa mga pangunahing kinakailangan ng mga mamamayan upang masuportahan ang kanilang pang araw-araw na pamumuhay, kaya naman sinisigurado ni Mayor Arlene na nabibigyan ng sapat na importansya ang sektor nito.
The Roaring Legacy
Pagsuporta sa mga Kooperatiba at MSME sa gitna ng Pandemya
Upang tugunan ang pangangailangan ng pamilyang Santa Rosa patungkol sa pagkakaroon ng hanapbuhay o pagkakakitaan, minarapat ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa na maging katuwang ang City Cooperative and Development Office sa pagpapa-unlad ng economic sector.
The Roaring Legacy
Paglulunsad ng E-Recruit Program para sa mga mamamayan ng lungsod
Sa patuloy na paglago ng populasyon ng lungsod ay patuloy din ang pagdami ng mga taong nangangailangan ng trabaho o pagkakakitaan. Kaya naman sinisigurado ni Mayor Arlene ang tuluy-tuloy na pagpapaunlad ng mga programa at proyektong makatutulong sa pagtaas ng bilang ng trabaho kahit na ang Lungsod ng Santa Rosa ay sinubok din ng pandemya.
The Roaring Legacy
Patuloy na Pagpapalawig sa Sektor ng Business
Isa sa malaking bahagi ng pag-unlad ng lungsod ay ang hindi matatawarang ambag ng Business Sector. Dahil dito ay ginarantisa ni Mayor Arlene na patuloy ang pagsulong sa mga programang lubos na makakatulong sa mga ito.
The Roaring Legacy
Ligtas na Lungsod at Mahusay na Pamamahala para sa Pamilyang Santa Rosa
Gaya ng isang tahanan, nais ni Mayor Arlene na maging maayos, ligtas, at mapayapa ang Lungsod ng Santa Rosa. Ito ang dahilan kung kaya't naging isa rin sa mga pangunahing layunin niya ay ang itatag at palakasin ang "Pillar of Peaceful and Orderly Communities and Good Governance".
The Roaring Legacy
Patuloy na Pagpapatibay sa Dangal ng Pagbabago Rehabilitation Center
Bilang hakbang sa pagpapalakas ng Pillar of Peaceful and Orderly Communities and Good Governance, pinagtibay ni Mayor Arlene B. Arcillas ang Dangal ng Pagbabago Rehabilitation Center.
The Roaring Legacy