Bakunahan sa paaralan inilunsad ng Santa Rosa
By: King Garcia
Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa sa pangunguna ng Tanggapan ng Kalusugang Panlungsod at ng DepEd Santa Rosa ang bakunahan sa mga pampublikong paaralan nitong Agosto 3, 2022.
Ang bakunahan sa paaralan ay ang pinaigting na pagbabakuna ng lungsod sa mga estudyante dahil sa kanilang pagbabalik sa silid-aralan.
Matatandaan na iniutos ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na magbalik na sa tradisyonal na "face-to-face classes" ang mga pampubliko at pribadong paaralan sa darating na Nobyembre 2.
Bagama't hindi naman sapilitan o kailangan na mayroong bakuna upang makasama sa "face-to-face" na klase, nagkasundo ang pamahalaang lungsod at ang DepEd na hikayatin ang mga estudyante na magpabakuna.
Ang mga magulang na pumunta sa unang araw ng bakunahan sa paaralan ay sang-ayon din na mahalaga ang pagpapabakuna ng mga estudyante. Ayon sa kanila, mahalaga na maging ligtas at magkaroon ng proteksyon ang kanilang mga anak laban sa COVID-19 lalo na't babalik na ang mga ito sa loob ng paaralan.
Labing-isang (11) paaralan ang mga napili bilang mga "vaccination site." Ito ay ang Santa Rosa Elementary School - Central 3, Labas Elementary School, Aplaya Elementary School, Sinalhan Elementary School, Southville IV National High School, Pulong Santa Cruz Elementary School, Balibago Elementary School, Dita Elementary School, Don Jose National High School, Santo Domingo Integrated High School at Santa Rosa Science and Technology High School.
Ang mga napiling "vaccination site" ay mayroong magkakaibang araw ng iskedyul ng pagbabakuna. Nakatalaga rin kung sino-sino ang mga estudyanteng maaaring pumunta mula sa elementarya hanggang sekondarya.
Hindi rin eksklusibo sa mga estudyante ang pagpapabakuna. Maaari ring sumabay ang mga magulang o kamag-anak ng estudyante na hindi pa nababakunahan o hindi pa nakakatanggap ng "booster shot."
Ayon sa Tanggapan ng Kalusugang Panlungsod, ang kanilang ibibigay ay unang dose at ikalawang dose ng bakuna, pati na rin ang booster shot.
Magsisimula ng ika-siyam ng umaga (9:00 AM) hanggang ika-dalawa ng hapon (2:00 PM) ang operasyon nang pagbabakuna sa mga paaralan.